lost files…geez!

•November 10, 2007 • 3 Comments

today i just discovered this…may mga nawala akong files sa external harddrive ko. kung pano nangyari…ngayon ko lang din nalaman kung pano. waaaaaah! hinayang na hinayang ako dahil alam kong marami akong nalipat na personal docs, mp3’s and videos sa external drive ko. nakakainis. hindi ko na matandaan kung anu-ano exactly yung nawala. malalaman ko na lang yun pag kelangan ko na at hinanap sa external drive. *sigh*

kung pano nangyari…yung laptop ng ate ko yung usually ginagamit ko na means to put files into my external drive. ngayon, yung laptop ng ate ko may deepfreeze na naka-install. ayun…hindi ko alam na pag active yung deepfreeze sa laptop, ganun din ang nangyayari sa external drive ko. demmit!

btw, sa mga hindi nakakaalam kung ano yung deepfreeze. isang program/software po yun na habang active yun sa computer mo, kahit anong i-install, i-create or i-save sa computer mo, pag nag-restart ka, it will go back to the same state as pagka-open mo ng computer mo. labo no? hahaha! basta parang recovery thing yung effect nya.

haaayz! naalala ko na naman yung mga files ko na nawawala…*sigh* sama talaga ng loob ko sa nangyari. waaaah!

binilog-bilog pa…

•November 9, 2007 • 1 Comment

sms from mimi:

A girL is spEciAL,

crEAtEd by gOd.

f U prAisE hEr,

shE thiNks Ur

LyiNg.

f U dOnt,

Ur gUd 4 nOthiNg.

f shE tALks,

shE wNts U 2

ListEn.

U ListEn,

shE wNts U 2

tAlk. kiss hEr,

Ur nOt A

gEntLEmAn.

f U dOnt,

Ur nOt A mAn.

f U AgrEe 2 ALL

hEr Lyks,

U r A wimp.

f U dOnt,

U r nOt

UndErstNding.

sO simpLE yEt sO

cOmpLEx,

sO wEird yEt sO

bEAUtifUL.

dts A girL.

A

nOn-UndErstAndbLE

crEAtUrE.

in shOrt…

“sAkit s ULO”

bUt mAkEs A mAn cOmpLEtE…

ayus! da bist!

(the following scene is based from a true story that happened in mrt…)

9:40pm

habang nakatayo ako sa gitna ng tren, nakita kong nabakante yung upuan sa harap ko. out of the blue, lumapit ka sa bakanteng upuan at naupo (ano pa nga ba…lolz). biglang tumibok ang aking puso….ayus! ang cute mo pala. habang may kausap ka sa cellphone mo, tinititigan kita. chinese ka malamang. di sobrang puti pero hindi naman morena. presentable. aaah…yuppie ka sigurado. magandang cute (lolz). buti na lang nahigop ko agad yung laway na muntik ng tumulo galing sa bibig ko. sheeettt! mahal na kita agad. sakto pa yung tugtog na “prinsesa” ng the teeth mula sa opm mix ni dj rob ng wp-pinoys.com.

natapos na kayo ng kausap mo sa cellphone mo kaya naging aware ka na sa mga tao sa paligid mo. ako naman, biglang bawi ng tingin. baka mahalata mong malagkit yung tingin ko sa yo e. mapagbintangan mo pa kong manyak – na totoo naman. hahaha! nung naisip mo na mukhang hindi ka naman napapansin ng mga tao sa paligid mo, biglang…

amfufu! hinalukay mo yung ilong mo na parang ikaw lang ang tao sa mundo. di ka pa nakuntento, tinitigan mo pa yung nabingwit mo at binilog-bilog sa daliri mo. napaisip ako…astig ah! walang pakialamanan nga naman. buti na lang napigil ko tawa ko at napangiti na lang. siguro ganyan talaga dito…hindi big deal yung pangungulangot sa publiko.

pero eto ang lagi mong tatandaan…cute ka parin. *wink* *wink*

basta wag lang magko-convert…

•November 3, 2007 • 4 Comments

isang araw…sinamahan ko ang officemate-slash-tropa-slash-kumpare ko sa lucky plaza (isang mall sa orchard rd, singapore na 80% ng population ay mga pinoy/pinay). magre-remit sya ng sweldo sa family nya sa pinas. dahil mabilis akong mainip, nagsabi ako na iikot na lang ako sa mall para tumingin-tingin ng kung anu-anong meron dun. nakita ko may “sale” yung isang bookstore sa gitna ng ground floor – parang booksale sa pinas na mala-bazaar ang dating. yun ang pinuntahan ko. deym! may “sale” ng back issues ng archie. hindi ako mahilig sa archie pero tempting yung price nya – sgd 2.90 per piece & sgd 10 for 4 pcs. napabili ako bigla. hahaha! compulsive buyer. pero kung iisipin, mahilig talaga ako bumili ng kung anu-ano kasi mejo hobby ko dati sa pinas yung mag-shopping at sumugod sa mga malls na nagmo-mallwide sale. hehehe! eto sila:

pagkatapos ko bumili, napaisip ako… 30 pesos nga pala per sgd. ngeh! 75 pesos pala isa neto. hahaha! mahal din pala lalo na kung iisipin na early 2000 pa yung issues na to.

moral of the story: kung gusto ko ng peace of mind, wag dapat magko-convert ng mga binili ko.

a week that was…

•October 27, 2007 • Leave a Comment

Sa isang clinic… 

Patient: Doc may problema ako… tuwing alas otso ng umaga.. tumatae ako…
Doctor: so anong problema doon???
Patient: Alas nuwebe ako gumigising eh…

pangarap ko talaga na mag-blog once every 2 days. kaya lang, hindi ako makahanap ng tyempo dahil laging hectic ang schedule ko. nyahaha! kaya eto, isang malufet na summary ng kung ano ang nangyari sa isang linggo ng buhay ko.

10/19 – maaga akong nag-out sa office. i had a plane to catch by 11pm. pauwi ng pinas…woohoo! i will be “observing” my birthday there.

10/20 – arrived at naia. sarap talaga pag madaling araw ang dating sa naia – maiksi ang pila sa immigration & sa customs checkpoint. hehehe! nag-taxi na lang ako papuntang bahay dahil walang gustong sumundo sa kin. nyahaha!

            – arrived at home sweet home ng 6am then natulog til lunchtime. went to trinoma with my mimi to shop. one of my weird hobby is shopping. first stop is bench – bought new sets of boxers. hahaha!

10/21 – grocery time sa sm na malapit sa min(pasalubong pagbalik sa singapore). then round 2 ng shopping sa sm north.

10/22 – haircut sa “favorite” na hairdresser – ate vi of *beep* salon sa sm na malapit sa min.

            – 7pm…time to say bye bye sa pinas ulet. alipin mode na naman sa opish.

10/23 – pasok ng late sa opish. mejo may jetlag pa kaya natulog from 11am – 2pm. hahaha! buti na lang walang bantay sa floor namin. pwedeng matulog sa upuan. da bist!

rest of the week – alipin mode. pakshet! ano pa  bang aasahan ko sa type ng trabaho ko kundi late ang uwian. buti na lang late din ako pumapasok this week kaya quits lang. kala nila maiisahan na naman nila ako? leeeeccchhh sila. hahaha!

10/27 – araw ng paglalaba. 2 weeks akong hindi nakapaglaba dahil umuwi ako ng pinas. buti na lang mejo hindi ganun kahirap maglaba. hehe!

            – eto…nag-iisip kung pano ire-recap ang nangyari sa kin dito sa blog ko na fresh na fresh pa although hindi na virgin dahil pang-3rd entry ko na (yata) to.

few firsts…

•October 18, 2007 • 2 Comments

 Graduation Day Speech:
“tonight i am graduation, i invitation you all to eat our house because i know someday i will eat your house too. i will die five chickens, three girls and two boys to eat you all and i will ask my father to cook my mother.. thank you!!”

this is my first post in my first real blog site (not counting my friendster blog).

today (eerrr…yesterday…basta october 18th) is/was my first birthday i’ve “observed” outside of the philippines. observed na lang although dati i celebrate it. haha! pero ngayon, deym…ordinary day lang sya except for the greetings from loved ones & friends. hahaha! pero ok lang…no heart hard feelings… nyahahaha!

oh well…just like graduations, parang fiesta din ang birthdays sa tin… madaming food and drinks (pag tumanda, pwede na ring alkohol & videoke… gandang combi)… madaming bisita (kahit hindi kilala yung iba)… higit sa lahat – madaming regalo! well…on second thought… siguro ang formula sa birthday gifts ay “number of gifts is directly proportional to the number of friends willing to shell out some cash but inversely proportional to the age.” pag bata ka, madami kang natatanggap na regalo…habang tumatanda, nababawasan…kaya habang tumatanda ka, make sure na dumadami rin friends mo na mapera para yung bilang ng regalo mo, same pa rin…

haaayyz! birthday na birthday loser mode ampupu…hahaha! late na ko nakauwi from office…pakshet! 10:30pm ba ay matinong uwi ng isang empleyado? sigurado akong hinde…kaso wala akong magawa…i work in the IT department of a bank…yun siguro ang kapalit ng medyo magandang pasweldo – halos wala kang control sa oras ng trabaho. although pwede akong tumakas – na madalas ko ginagawa…para makauwi ng maaga. hahaha! oh well…utakan lang yan. kung dati nauutakan ko sila, ngayon plus 1 point sila dahil nautakan nila ako.

pero ok lang…magse-celebrate naman ako ngayong weekend. uuwi ako ng pinas! woohoo! hahaha! anlalayo ng segue ko. andami ko kasing gustong sabihin kaya ayun…nawawala sa hulog. sensya na…tao lang…excited lang sa first post ko. anyways, next time yung kwento about pag-uwi ko ng pinas to celebrate observe my birthday. babalitaan kita. oo…

 haaayz! magkikita na kami ng mimi ko…hahaha! sana masurprise sya dahil ang alam nya hindi ako uuwi…weee! iyakin pa naman yun simula nung nagwork ako dito.

kuping: SARPRAAAAAAYSSS!!!

mimi: bi? (bi ang tawag nya sa kin…kung bakit? kasi B.I. yata ako. hehehe!)

kuping: SARPRAAAAAYS! *sooper smile*

mimi: waaaaaaaaah!

Hello world!

•September 22, 2007 • 2 Comments

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!

(sometimes, i’m a hopeless romantic. maraming bagay akong tinatago for their sentimental value. so i’m keeping this post para ipaalala ko sa sarili ko na i started this blog today. hahaha! on second thought, hopeless romantic nga ba ang tawag sa taong nagtatago ng bagay-bagay for their sentimental value?)