basta wag lang magko-convert…

isang araw…sinamahan ko ang officemate-slash-tropa-slash-kumpare ko sa lucky plaza (isang mall sa orchard rd, singapore na 80% ng population ay mga pinoy/pinay). magre-remit sya ng sweldo sa family nya sa pinas. dahil mabilis akong mainip, nagsabi ako na iikot na lang ako sa mall para tumingin-tingin ng kung anu-anong meron dun. nakita ko may “sale” yung isang bookstore sa gitna ng ground floor – parang booksale sa pinas na mala-bazaar ang dating. yun ang pinuntahan ko. deym! may “sale” ng back issues ng archie. hindi ako mahilig sa archie pero tempting yung price nya – sgd 2.90 per piece & sgd 10 for 4 pcs. napabili ako bigla. hahaha! compulsive buyer. pero kung iisipin, mahilig talaga ako bumili ng kung anu-ano kasi mejo hobby ko dati sa pinas yung mag-shopping at sumugod sa mga malls na nagmo-mallwide sale. hehehe! eto sila:

pagkatapos ko bumili, napaisip ako… 30 pesos nga pala per sgd. ngeh! 75 pesos pala isa neto. hahaha! mahal din pala lalo na kung iisipin na early 2000 pa yung issues na to.

moral of the story: kung gusto ko ng peace of mind, wag dapat magko-convert ng mga binili ko.

Advertisements

~ by kuping on November 3, 2007.

4 Responses to “basta wag lang magko-convert…”

  1. hehehe! sinabi mo pa, ganyan din ako noon kaya ang tendency di ako makabili tsk tsk tsk, pero kung malaki naman kita mo dyan e yakang yaka yan mano ba naman ang dos? lol! we call one dollar as piso kahit na itanong mo pa sa mga pinoy dyan, dito rin piso ang salita ko sa pera kapag nagtotong it kami, pinagtatawanan ako ng mga matatagal na dito kasi dolyar daw ang pera dito e sabi ko e ganun kami sa Singapore e lol!

    dalas din ako makabili ng muran buk dyan sa baba ng lucky plza kapag nadadaan 🙂

  2. hahaha! minsan din ang natatawag ko sa 1 dollar nila dito piso pag naguusap kami ng mga officemates ko na pinoy/pinay. anlayo ng nararating ng mga coins nila dito. kahit 10cents pwede ipambayad eh. hehehe!

  3. hahaha! naku i had the same experience nung nandyan kami ng mga pinsan ko (read: walang parents kasama, therefore walang financier). para kaming kawawa kasi ayaw namin kumain kahit saan dahil ang mahal! ayun, nauwi kami sa burger king, at cup noodles sa 7-11. 😀

  4. hahaha! ayus sa diet yun ah. burger king & cup noodles. hehehe! pero i agree with you. mahal talaga presyo dito ng kahit ano – lalo na kung iko-convert mo. hahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: